Another shitty entry. Let's start typing random thoughts.
- I've been reporting in Makati for the past few days for the PATH Workshop. Our GLOBAL PATH training is turning over her responsibilities to me kasi lilipad na siya patungong Omaha next year. For now ako muna ang PATH trainer pero bago mangyari yun I have to be certified. That's why I need to attend the training, take the online self-paced training, and facilitate a class next next week. I'm really excited about this; I've always wanted to be in Organizational Development. Attending the workshop and sharing some of my experiences with the trainees made me miss training. Parang this time it's on a different level kasi hindi nalang new hire trainees and hinahandle mo kung di leaders na rin. I feel happy and fulfilled when the participants thank me and tell me they learned a lot. It's nice to know that in a way I made a difference in their lives. Ang arte ko lang, may mga ganung factors lately.
- I will be reporting in Makati next week for the BOSH training. 1 week din yun.
- I just finished the Twilight SAGA and yes, gusto ko na ring maging vampire like Bella. Bella talaga di man lang Edward. It's been a while since na hilig ako sa pagbabasa ng novels. Lately kasi puro mga books about getting rich ang mga binabasa ko.
- Hopefully maayos na ang house before dumating ang bagong taon. Ang panget naman kung sisimulan ang taon ng hindi maayos ang tahanan. Lalim ng word, para namang totoo. Basta pagdating ng bonus papagawa ko na.
- I have 3 cute hoglets. Parang ayokong ibenta, paparamihin ko muna para dumami breeders ko at magkaroon ako ng continuous passive income ng atleast 10,000 monthly. Sinung mag aakalang may pera sa hedgehogs...
- Ang bigat ko na, ayoko kong magtimbang nakakatakot. Last time nung nagtimbang ako 195 lbs, baka lampas 200 nako ngayon. Ewan ko ba, walang effort magpapayat. Next year nalang after na ng holidays at kapag nakabili nako ng stair climber. Atleast di nako tatamarin kasi pwedeng manuod ako ng mga downloads habang nagexercise.
Flight last Thur went straight to KL Malaysia. In transit kame coz walang direct flight sa Bali from the Philippines. Pero according sa chikadrang immigration agent na nakausap ni sister, by November daw may direct flight na from Clark. Sushal Paolo! Mabilis nalang makapunta sa Bali. Wait nalang ng zero air fare ng Cebu Pacific, kung sila man ang airlines na magfly directly. Hilton ang booking namin, again isang bonggang Sushal Paolo!Di nako nakaikot sa KL since 5PM na kameng nakarating. Kumain nalang kame sa KL Central tapos borlogs na. The following day, 9:40 AM ang flight patungong Bali. So inupakan ko na ang breakfast sa Hilton kasi ginto mars ang noodles sa plane. So nagpakabusog nalang ako, buti nalang di akez najebs sa flight. Pagadating na Bali sinundo kame ni Sis and Sean. So bakit kaya ako nagbablog ngayon? Kasi parang ako lang si Danny, bagot mars! Walang public transpo, Gusto ko mang gumimik tonight, cannot be kasi di ako makalabas sa kabundukang kinalalagyan ko. For that, more swimming nalang to mars hanggat mangayayat ako.
Let's start with the office kembot.
- Lately maraming work with the resignation of the other training manager pero kaya naman ng powers ko so far. Overwhelming lang yung first couple of weeks pero naka adjust nako.
- Several seasoned trainers left the team for "greener" opportunities. I think green is the in color nowadays. Charot!
- Lately less drama na sa work. Steady lang so far.
- Last week nasa working abroad mode ako. As in go for EA or barista sa Singapore pero parang sinampal ako ng gulong ng palad. Charot! May ganung factor talaga? Di pa kaya ng powers kong iwan ang Pilipinas dahil marami pang mga pending bills na baka di ko ma afford kung mas mababa kikitain ko abroad. Settle ko muna lahat bago ko pagisipan ang aking barista/EA career abroad. Gusto ko lang yung kembot na work if i'll work abroad.
- Ang bonggang bonggang weight ko ay, 195 lbs. I hate Danny dahil napatimabang ako ng wala sa oras kahapon. Hello, no wonder wala ng kasyang pantalon sakin and limtied nalang options ko sa polo.Pero i started na to watch my food intake. Mega research sa south beach para pagbalik ko ng Bali kembot nako. Sana lang effective kasi ngayon pa lang on my 3rd day, nafifeel ko na ang effect ng no rice/carbs diet. Nahihilo nako and very cranky.
- I sprained my ankle, for the 3rd time. Buti nalang hindi major, di lang ako nakapasok nung Monday kasi super sakit di ko mailakad. Ngayon OK naman na, di na muna ko lalaro para magheal ng tuluyan.
- Wala nakong high blood lately pero di pa rin ako bumabalik ng gym. baka pagbalik ko na from Bali.
- Tumambling ako the past few months sa mga kailangang bayaran for the house. Loan processing fees, transfer taxes, at kung anu anu pang kembot. Isa ito sa mga nagdudulot ng stress sa aking buhay. Buti nalang at nadadaan lahat sa "THE SECRET". Bigla nalang dumarating ang pera. Hopefully by October makarecover nako.
- Enroll kame ni Nick sa Fashion Institute of the Philippines for tailoring courses. Inspired talaga ko kakapanuod ng Project Runway. Goal ko is to launch my x-mas collection na ipamimigay ko as gift. Kahit puke puke lang, ang importante pinaghirapan. Charot!
- I'll be in Bali from Oct 2 - 12 to visit my nephew and sister. Kasama ko si madam Norsie and Atchieng Love. So more family ang event na ito. Hopefully i get to travel the island since di na masyadong alagain si Ethan.
- The Boracay trip last September was a blast! Kahit inulan ulan kame it was really bonggang bongga!
- I finally got my Canon camera from Faith and I'm loving it. For that, I will post more pics next time.
Yan nalang muna for now!
Itaktak mo pare!
- Music:7 Things I hate About You
OK fine, di ko nanaman nasunod yung plan ko na 1 blog per week. Geez! effort naman kasi to put your throughts into writing. Pwede bang podcast nalang para kuda lang ako ng kuda? Syempre, isang walang kwentang entry nanaman ito. So update lang:
Nakalipat na kame sa aming bagong condo. Pictures to follow kasi naman wala pang laman :-) Aayusan pa lang, hopefully by April ready na for showing and house warming. So since wala pang gamit, Manila Paper ang ginawa naming pantakip ng windows. Balak kasi namin one time big time nalang ang pagbili gn stuff para mapili talaga namin ng husto. Isang gabi, kinatok ako ng tanod at 9:30 PM. Gulat ako di ba, kasi CANIOGAN PASIG BARANGAY TANOD ang kumakatok sa door ko. Aba, lulusubin na sana yung room kung di ko lang pinigilan. May tumawag sa tanod sinasabing may naghuhubad daw sa unit namin. So naloka nalang ako! Apparently, kita pala kame ng mga neighbors sa gabi kapag bukas ang ilaw, akala ko naman may light reflection chenelar yung sliding window di naman pala. So ayun, ako ang pervert na naghuhubad sa madlang basketball court ng Caniogan Pasig. Kebs! Chinika ko nalang ang mga manong na wit ko know na kita pala kame at feeling ko may relfections chenelar nga ang windows dahil kapag naglalakad ako ng umaga di ko naman nasasight ang nasa loob ng apartment unless may i look closely under the microscope ang drama ko.
Busy sa office the past 2 weeks. As in busy lang and dame lang mga pangyayari. Eh wala tayong magagawa ganun talaga. The best way to go about it is to do your job well. Kabahan na ang mga slackers! Charot! For that, gagawa ako ng more templates, initiatives, programs, chenes! Dapat bibo bibuhan na ang labanan. Baka mag stack rank malaglag ako sa ranking :-) Echoz!
Siya, punta nakong cartimar. Mabuti na yung may naikuda nako kahit papaano di ba?
- Location:Office
- Mood:
amused - Music:No Air - Jordin Sparks
Jan 21 - Jan 27
Parang napagod ako this week, as in physically, emotionally, mentally, financially, chenes....
We had to rush mom to the hospital for swollen gall bladder chenes. Stay ako sa hospital the whole sunday para may kasama siya. Good luck, di talaga ako nakatulog kasi walang maayos na tulugan ang more monitoring kay mudra. Kasi naman, tumatayo nalang bigla in the middle of the night, nakakatakot baka mapano pa. She had her operation last Tuesday morning, good thing everything is OK. Goodluck naman sa bill, parang 100k din yata yun. Sana makadiscount sa Phil Health and senior citizen chenes.
Jan 28 - Feb 02
Another busy week for me.
Start na ang elimination round ng Fun Day. Buti nalang nanalo kame against the Orange Retrievers. Medyo mas malupit ang kalaban next week kasi sila ang defending champion. Masaya naman ang turn out ng games dahil maraming nanunuod and nageenjoy ang mga players.
Nag leave ako ng Thur and Fri hoping na makapaglipat nako but wait! Wala pang clearance to transfer! Bad trip! Ang dameng hanash na kulang. Kesehodang kulang pa ng lump sum post dated checks, mali yung reservation chenes, kailangan pa ng more checks... Hayyyy.... Nasigawan ko na nga yung sa Turn Over Group kasi naman hindi man lang ako ina update ng hitad so akala ko OK na lahat. Ginamit ko nalang ang VLs ko para magpack. More packing lang talaga ako nung weekend. Narealize ko lang na ang dame palang clutter ang pumasok sa buhay namin the past 2 years. Dapt ngayon more disposal of clutter and unwanted stuff. For more!
Hopefully, maka move in nako this week.
- I didn't go to Bed last Saturday night. It was raining when I woke up at 12:00 AM and people were not in the mood to party.
- Watched Lucky You starring Drew Barrymore and Eric Bana. It's a feel good romantic movie, yung tipong di ka na mag iisip at enjoy mo lang siya.
- I tried to watch Transformer. Ganda na sana, I was amazed with the first 15 minutes until ayaw nag mag play ng DVD. Peste! I need to get a new Transformers DVD. Sayang I didn't get the chance to see it in the big screen.
- I Could Never Be Your Woman starring Michelle Pfeiffer is a nice romantic comedy. Infairness, mahilig talga ko sa romantic films and chick flicks.
- Den and I went to MOA for the IMAX showing of I am Legend. Parang wala rin lang pala. Akala ko naman may 3D effects pero regular film lang on a much wider screen. You still have to pay 350 to watch the movie so we've decided to just see it sa regular cinema. This is an excellent movie to start the year. Watch niyo, infairness lang sa movie.
- National Treasure, The Book of Secrets was a fun film. Pero I think the first one is way better than the sequel.
- Signed up for Gols' Gym today. I figured matatagalan pa bago magawa yung gym sa condo so nag member ulit ako sa Gold's Gym galleria. Hopefully, masulit ko ang bayad ko. Mura lang naman, 1,300 per month so pwede na. Dame pang artista kaninang nag work out ako at konti ang tao. Kaso nga lang, kung naggi-gym ka for cruising, I suggest mag fitness ka nalang kasi matumal dito sa Gold's Gym Galleria.
- At dahil naggi-gym nako ulit, may excuse ako to buy a new gym bag :-)
- Nakuha ko na ang results ng aking medical exam, papa interpret ko nalang this week.
Yan na lang muna, at least may entry nako for the week :-)
- Location:Office
- Music:Tattoo by Jordin Sparks
I guess mali nanaman ang approach ko sa diet. Tinodo ko naman kasi sa crab siomai ng mini stop. Can you blame me, ang sarap eh! :-D
Kakain nako ulit ng rice at tatanggaping mataba na talaga ako at ititigil ko na ang kahibangang ito!
- Location:Office
- Mood:
stressed - Music:High
Lately medyo marami nakong moments!
Up to now I blame it to my no rice diet! Sana nga dahil lang dun!
Alam mo yung minsan gusto mo nalang mag walk out pero if you take 2 steps back and see the situation in a different perspective, napaka babaw lang ng kinaiinisan mo?
Yan ang mga moments ko lately!
I find it weird kasi masayahing tao naman ako and more on the positive side ang attitude ko pero super init lang ng ulo ko lately.
Siguro nagkakasabay sabay lang.
I think dapat makalipat nako ng bahay paramaka move on nako. Baka isa ito sa mga dahilan.
Or dapat mag papawis ako to get rid of negative energies, baka isa rin ito sa dahilan.
Baka topakin ako isang araw!
- Location:Office
- Mood:
cranky - Music:This is the moment
One fo my goals in 2008 (yes, goals talaga meaning more than one) is to update my journal weekly. So ito na ang first entry ko for the first week of 2008. Summarize ko lang ang last 2 months of 2007, tagal na rin yata nung last entry ko.
1. Den and I went to Subic Safari and Ocean Adventure. Matagal tagal na rin naming plano to, parang 2004 pa. Di lang matuloy tuloy. So nung December 01, inaya ko siya na gumora kame sa Subic para matupad na ang matagal kong pangarap. I think napressure siya to say yes kasi malapit na ang birth day ko nun. Infairness naman, masaya ang experience. I highly suggest you visit Safari and Ocean Adventure lalo na kung may mga kidlets kayong kasama. Matutuwa sila i'm sure.
2. Nung birthday ko, natulog lang ako. Parang wala man lang akong ginawang special. Borlogs at watch lang ng Naruto the whole day. Ay, nanuod pala ako ng finals ng V-league. UST vs SSC. It was an exciting match. Yun na yata yung highlight ng day ko. Naasiman pa ko ni Den dahil tinangay ko ang ex- Personal Assistant kong si Athens eh may pinag uutos pala siya. Asiman ba ko eh b-day ko. Hello naman!
3. Binalak kong mag tiangge business with my ex-Personal Assistant. Pero mukhang on hold muna yun dahil sa pinalayas ko siya. Goodluck nalang sa 10k worth of goods na kaialngang ibenta. Kailangang makahanap ako ng tindera soon.
4. I bought 8k worth of books on Real Estates. Yes, more Think Rich Pinoy attitude. I plan to become a real estate investor ngayong 2008. Enroll ako sa apprenticeship program ni Larry Gamboa for more! Goodluck naman, saan ko kaya kukunin ang 50k registration fee? Basta, yayaman ako ngayong 2008.
5. Join din ako ng Wi-max for more busienss ventures. Yes, nagbebenta nako ng load :-) Di ko nga alam kung paano kasi naka line ako. Yung mga gustong magbenta ng load diyan, let me know para mabigyan ko kayo ng access code. 100 pesos lang, you cna sell load to all networks na. For more kumikitang kabuhayan.
6. Naging regular na rin ako sa bed :-) Ewan ko ba at nahilig ako sa paglabas labas lately. Dahil yan sa Gimme More ni Britney at Please Don't Stop the Music ni Rihanna. More clubbing lang talagaand less borlogs during weekends.
7. More kajubisan lang. I'm now 190 lbs and I can only fit in 2 pants para sa office. Ayokong bumili para more reason magpapayat. Ito na yata yung pinaka jubis ko. It's comforting to know na hello, mas jubis sakin si Loyce :-)
8. In relation to may kajubisan, I stopped eating rice sine Dec 10. Pero parang wala lang. I think tumigil lang yung pagtaba ko pero di pa rin ako nag lose ng weight. Kung sabagay, tinotodo ko rin naman sa fries and pasta, nagtaka pa talaga ako. Sa mga nagbabalak hindi kumain ng rice, ihanda niyo ang sarili niyo dahil magiging mainitin ang ulo niyo. Hello. more bitchesa moments lang talaga ko the past few weeks. As in yung maliliit na bagay inaasiman ko.
Goal 2: Another goal for 2007 is to practice Bikram Yoga for Mind, Body and Soul balance chenelar.
Goal 3: Start my property investment venture by Feb.
Goal 4: Achive my 150 lbs weight target (good luck lang talaga dito)
So far yan lang ang goals ko for the frst quarter. Set ulit ako ng goals by March!
The past few days kasi kuda ako ng kuda na work is easy kaya gogorahin ko ang MBA. Ayan tuloy, nagparamdam tipong nagsasabing:
"Balak mo pang mag MBA bakla ka eh score cards pa lang ng trainers mo halos ubos na oras mo?"
Pero ngayon lang ito, itutuloy ko ang aking MBA degree para sushal lang, may MBA ako. Excited nakong ayusin ang mga requirements for MBA, after naming manuod ni Nick ng aming pangarap na bituin na ate reg concert, attack na sa pag aayos ng requirements. Magkano kaya ang aabutin ng gastos sa enrolment? Nung nasa UP CBA pa ko, nasa 1k per unit lang pero since nagtaas na ang tuition sa UP, malamang nagtaaas na rin yung para sa MBA course.
Happy Birthday Mother dearest! 64 ka na pero parang 63 lang!
Ang tagal ko na ring walang entry, buti nalang wala pa si Den kaya may time pa kong magsulat. Here's a quick summary ng mga pangyayari sa buhay ng dating sex bomb dancer turn MBA student.
1. Na-sprain ang ankle ko twice during the Volle650 tournament. Nung una against Teletech, on hindsight I think dahil sa puyat ako and maluwang yung shoes kaya natwist ko. Nung second time, mas matindi na kasi halos di nako makagalaw sa court sa sakit. Narinig ko nag snap ulit yung ankle ko when I landed after going for the block. Naloka ako sa sakit, yun na yata yung pinakamasakin physically na naramdaman ko. Tapos nakita ko nalang yung foot ko, parang pumipintig mag isa. Todo sa sakit. Thanks sa First Aid training ni John and Aaron at hindi na lumala ang injury ko. For that, sugod sa Medical City at crutches for two weeks. Kulang nalang bato at pwede nakong sumigaw ng DARNA!
2. Nakabili nako ng condo unit sa Riverfront Residences kaya ang christmas ko ay medyo tipid. As in wala na akong pera for luho, shopping, trips, pets, etc. Said na said ako until June 2006. Kebs, excited nakong mamili ng furniture and i-decorate ang sarili kong place. I'll post pictures kapag na turn over na. Move in nako ng january 2008 for more.
3. Inuwi muna namin ang mga dogs sa Lucena, kawawa naman kasi hindi naalagaan. Baka kunin nalang ulit si Guaki paglipat namin ng Riverfront.
4. Bati na kame ni Loida, infairness naman namiss ko siya. Nung nawala na yung galit, namiss kita loyce. Sana nandito ka sa West para merong mas majubiz sakin! Ang taba mo lang!
So far yan alng ang mga happenings sa buhay ko! May mga exciting eksenas pa pero may bayad na dahil mala telenovela ang pangyayari.
- Music:Gimme More
*Si Ronel a.k.a. Badiday, ang aming 7 year old na alaga na pamangkin ko rin from pinsan ay Grade 1 na. Isang araw, sinabi ng teacher nila " Magtaas ng kamay ang mga babae" so nagtaas naman ng kamay ang mga munting merlat pero may isang batang lalaki ang nagtaas din ng kamay. Tinanong ni teacher, "Babae ka ba, bakit ka nagtaas ng kamay" Reply ng batang lalaki "Hindi po, preo bakla po ako". Hello naman sa kid, 7 years old palang siya out na siya! So itong si Ronel nagtaas din ng kamay, tanong ng teacher "Bakla ka ba?". Ang sagot ni Ronel, "Hindi po pero yung kuya Ato ko po bakla". And when he said Ato he was referring to our former maid Athena.
*May isang eksena pa itong si Ronel.
Ronel: Lola, pano po naging babae si Ate Athena?
Norise: (Imbeyla kasi busy sa school work tapos kinukuit) hindi siya naging babae, naging bakla siya. Gusto mo bang maging babae? Madali lang yun, halika puputulin ko putotoy mo.
*Ang aming kasama sa house na si Heidi May ay napasugod ng wala sa oras sa Bicol dahil sa nagkaroon ng emergency sa kanyang Mother. Sana lang everything is OK. Di namin alam kung kailan siya babalik. Harsh!
*Hindi nako nakapost ng mga trips namin. I think I didn't have to because my friends did it for me. Mukhang pahinga muna sa mga trips and back to work muna.
*I had this dream na kausap ko si Loyce and we were OK. Pag gising ko, I feel OK na with him. Parang kebs nalang sa nangyari.
*May binili akong dog na Labrador cross Shar-pei at inuwi ko dito sa Pampanga. After ng nakawan na nangyari kay Carla, naisip ko na mabuti rin yung may malaking dogibelles sa house para naman maborkot ang mga magnanakaw. pero siyempre puppy pa siya at matatagalan bago siya lumaki. I named him Pagu, kasi parang patay gutom na nilantakan ang dog food nung inuwi ko siya sa mandaluyong.
*Nakakatamad magpost ng entry sa LJ kasi hindi na pwedeng magbrowse sa office. Kya madalng na rin akong makapagbasa at makapagpost.
*Ipokrita!
OMG!
After 2 haircuts hindi pa rin ako super satisfied sa buhok ko! Sinubukan kong i-achieve ang Naima Mori look but NO! Unruly and hindi obedient ang aking hair pagdating ng styling! Sandamakmak na wax ang nilagay para lang maflatten siya last Tuesday!
Nagpagupit ulit ako the following day, feeling ko kasi mahaba yung gupit sakin nung unang stylist. Sad to say, di ko pa rin ma achive ang look na gusto ko! 2 weeks from now, papabarbers ko na ang gilid at likod para matigil na ang kalokohang ito! Parang tuloy Boys Don't Cry ang drama ko; kulang nalang ay suselya at dildobelles!
6:33AM
Grabeh! ang drama ng buhay ko lately dahil sa buhok! Lumevel sa problema ng mga people I swear!
At after 5 hours wala nakong ibang nasulat. I'm currently filing for more documentation sa mga Achievements and Challenges ng mga trainers. So far, parang mas makapal ang mga Challenges nila over their Accomplishments!
"kembot kembot chenes chenes churva churva"
"Tide is tide"
"Tide is miracle"
Estrus!
There's this show in ABS-CBN na host si Uma, Franzen, Jayson, and majubelles na junakis na merlat ni Noli De Castro na hindi ko pa napapanuod pero parang gusto kong maging host din. Estrus! Naengganyo tuloy akong sumali ng PBB for more Travel Show hosting opportunities! Hello! Si nel nga nakapasok, malamang may chance din akong mag PBB! For that! Maghahanda nako for the 3rd Season!
Open na ang application for The Amazing Race Asia! For that, send ako ng application for more Travel! Malay mo, makuha ako!
This summer is all about Beaches! Antulang this March, Kota Kinabalu in April, and Boracay naman sa May! Goodluck sa gastusin! May mga binabalak pa kong road trips in between! Ang sayang libutin ang Pilipinas! Malamang after ng summer, gagawin ko ng candy ang likas papaya para maibalik ang kulay ko!
Harsh! Di pa rin gawa ang PC ko. Di ko tuloy mapost ang aking mga pics from KL!
1. Hair style! Parang hello, last time bribols ang look ko ngayon parang humaba nalang at wala ng style! I need a haircut! Parang ayaw ko ng magpakulot bigla kaya papataktak ko na to later! But wait, lalaki nanaman ang cheeks ko kapag maiksi ang haircut ko. Wait, malaki naman pala sila kahit anong gawin ko. Basta, kaialangang pagupit. Either magmukha akong bribs ulit or papa taktak ko ng todo for more mo-hawk effect!
2. Lack of Sleep. Kasi naman hindi pa ko nakarecover from the KL trip. Parang lagi akong puyat lately. Gusto ko mang matulog di nako makatulog! Lalo pa ngayong mega gawa and drill sa harap ng street namin, goodluck nalang talaga sa sleep!
3. Muscle Aches. Tinodo ko ang badminton this week. Last Thursday, training with Steven Yan na na book ko kay Faith. Yesterday naman laro with Iris and Cricket agents. Sakit tuloy ng pwet and legs ko! Hindi ako makakilos ng maayos!
4. Siponelles! Hello! Sinisipon ako kaya more dragging moments! Parang gusto ko lang mahiga at tinatamad mag extra effort sa work. The past 2 weeks, I was happy to meet my deliverables. Wala na munang extra effort!
5. Kakulangan sa carbs. Baka dahil sa diet ko kasi super minimal na ang carbs ko this week. Next week totally eliminated na! Hellow, di naman amazing ang pagpayat ko! Parang papayat ako tapos i'll gain it back over the weekend! Harsh! Tanggapin ko nlanag kaya na chubb talaga ako? Estrus!
6. Negrita! This look is not working for me! Dapat either super itim or hindeh! Di ako pwedeng in between!
7. Lip and Cheek! Den, bumili ka na! Ubos na ang kaisaisang beauty product ko! Para naman rosy cheeks nako ulit!
I think yan ang mga factors why I feel so regular... Ordinary is not bad... I'm not just used to it! Estrus!
****************************************
I saw Dream Girls this week. Ganda! Ang saya! Galeng ni Jennifer! Diva kung diva si pootah!
****************************************
Gusto kong makiuso sa dramanelles ng mga entries pero wala talaga akong maisip. Wala pang drama lately sa buhay ko!
****************************************
Minsan I think I expect a lot from others and I get frustrated if they don't meet my expectations. OK lang sana kung extra expectations pero yung hindi ma meet yung basic, nakakfrustrate!
****************************************
- Location:Cubelles
- Music:I am Changing by Jennifer Hudson
How can I do it without them knowing???
- Location:Cubelles
- Music:Move, Dream Girls OST
Hello naman!
Tagal na nung last entry ko and since then hindi pa ko bumalik sa gym!
Nakapag KL nako at lahat, wala pa rin akong post about the trip. Kasi naman sinimulan kong isulat in English kaya hayun natagalan kasi ang hirap magkwento in English, parang namimiss out yung mga punch lines. Naaalala ko tuloy yung first trip to Marinduque na seatmate ko si Jonabels, let me entertain ako the whole trip kaya naglangib yata yung dugo sa ilong ko. Estrus! (btw, I remember Calvin Klein yung briefelles niya, Faith and Nice confirm please)
Ano bang bago sakin.
1. Negrita from KL trip. Todo naman kasi ang init dun! Parang summer all through out the year! 7:30 PM pa lang ang lubog ng araw at mega swim ako sa pool para matagtag ang kinain ko from the buffet.
2. Lost 10 lbs from KL trip but NO! I gained 5 lbs back over the weekend dahil inupakan ko ang pandesal at noodles. Hindi nga ko lumalaps ng kanin pero naman, bumawi naman ako sa tinapay! Siya nga pala, Over a month nakong walang kanin sa buhay! This is a lifestyle!Estrus!
3. napagawa ko na rin yung glasses na binili ko kay Mai. This time tama na ang grado at hindi na ako nahihilo.
4. Bumili ako ng bagong phone, P990i, kasi nahulog sa hotel car yung Samsung D900 ko on the way to the airport. Buti nalang binalik nung driver sa conceirge, balikan ko nalang kay sister pagpunta ko ulit ng KL. Masaya ako sa bago kong phone kahit hirap akong magtext. Infairness, maganda talaga siya. Estrus!
5. Di ako makatulog ng maayos. I think sira pa rin ang body clock ko from the KL trip.
6. Naiyak ako sa last 2 episodes ng Greys Anatomy. Hindi ko kinaya, may namatay sa Main characters! Todo!
Wala na akong maisip as of now. Tama na to para lang may entry.
Pansin ko lang lately, medyo on the emotional or thinking out loud chenes ang mga entry. For that, magpapaka emotional din ako next time! Mga tipong "I'm lost in the wilderness of emotions kembot"
Estrus!
I'm still in the office deciding if I should go to the gym or not. After yesterday's fiasco, I'm leaning towards not going...
When I wear shorts, I always get this "OMG, you have huge legs" comment from people who happen to notice my humongous legs. Hindi ko naman pinagkakailang may kalakihan talaga ang mga pata ko dahil high school pa lang yan na ang comment sakin. I used to be the captain of my high school volleyball team kaya lumaki ng ganyan ang mga pata ko. Talagang pata ang tawag ko at hindi legs! Anyway, ayoko na silang lumaki pa kaya hindi ko na sila winoworkout. As in never na!
Yesterday, I decided to work on my legs after reading my new work out program. The article made sense kaya naman na encourage niya kong mag work out ng legs. So gorabelles at attack sa Gold's Gym! Success ang first 3 exercises; Squats, Leg Press, Stiff Dead Lifts. Next on my list was Calf Raises but nung umattack nako sa machine may gumagamit. Ako naman si bibo, nag improvise! Gorabelles ako sa Squats machine, naglagay ng 180lbs na weight, kumuha ng stepper, tumungtong sa stepper at voila! Di ko alam kung ano ang nangyari! Naaalala ko nalang, nawala ako sa stepper, napaurong ako, bumagsak ang 180lbs na barbell at kumalabog ng todo! Haaayyy! Buti nalang may pagka Ninja ako, thanks to my volleyball training, at naka ilag ako ng mabilis! Tapos parang bigla nalang tumigil ang mundo ng mga tao sa gym for 5 seconds. yung tatlong tao sa area ko lumapit at tinanong kung OK ako. Gusto kong sabihin "I'm OK promise, I just feel really stupid right now". They helped me lift the weight back at hindi nagpaawat, inayos muli ang stepper para sa king calf raises. Apparently, nasira ko yung machine. Nagsorry nalang ako at nagpunta sa leg raises where I did my 45 degree calf raises. Haaayyyy. Alam mo yung feeling na napapa fuck you lang ang daliri mo na hindi mo mapigilan kapag naalala mo ang katangahang nagawa mo? Yun yon! As in! I can't Shake It Off like Mariah! Tapos nakita pa ko nung guy na tumulong sakin sa locker and asked me again if I was OK, harsh! Lalo nalang akong nahiya! Take note ha, nangyari yun hindi dahil sa mabigat ang 180lbs para sakin dahil with my hefty legs parang isang sako lang ng bigas yun! Nangyari yun dahil hindi ako nag-ingat! Hindi nilock yung safet locks at hindi ako nag double check ng stepper!
Hanggang ngayon I still feel stupid! Paano naman kasi ang kasama ko sa bahay, let me rub it in your face pa. Naman! Paawat na! Kapag napansin mo ng hindi na natatawa at tumahimik na, sana naman makuha mo na!
Now, hindi nalang ako magigym. Next week nalang, kapag nakalimot na ang mga tao! Gagayahin ko si Danny!
Hindi naman ito tulad ng pag bor-e ko in public where in kebs na sa mga taong nakaamoy ng tae ko kasi hindi ko naman sila makikitang muli dahil ang mga tao sa gym ay makikita ko ulit! Harshness talaga!
- Music:Shake It Off
11/30/2006
3rd year anniversary namin ni Den. Infairness, parang wala lang ang date na ito kasi hindi naman kame mahilig magcelebrate. I'm very happy kasi umabot na kame ng three years, tatag di ba? i love you hun.
12/04/2006
25th Birthday ko. At salamat ng marami sa mga bumati sakin. Again, hindi natuloy ang balak ko dahil tinamad akong lumabas. Pinili ko nalang manuod ng Project Runway at matulog. Ang pasaway ko kasing maida hindi umuwi, sinabay ang kanyang celbration sa aking bithday. Hello naman Athena! For that wala kang X-mas bonus!
12/15/2006
West Idol Season 2 na! Congrats kay Carla sa kanyang pagkapanalo kahit gumaralgal ang boses niya sa high note at nakalimot siya ng lyrics. Infairness, bagay ang straight na buhok! Ang sarap baklain ng hosting for West Idol! I had a blast; for that sasali ako sa next reality TV search for a VJ/host!
12/16/2006
Hellow sa kabaklaan ng baguio! Tumodo ang bading sa SM baguio, para kang nasa Malate. Isam mo pa si Kikolei, siya palang katumbas na ng sampung bading sa linog! Estrus! Ang saya ng bagyo super! Kahit wala akong naukay at kahit naubos ang aking cashels, nagenjoy ako!
Anyway, hilo nako. Di ko alam kung bakit. Akala ko gutom kaya gumora ako sa mini-stop at bumayla ng fried Wanton. Matapos lumaps with the trainers hilo pa rin ako. Feeling ko cholesterol na ito. Umabot na sa utak ko!
This week has been quite busy for me. I don't get to start my day reading email kasi either nasa meeting ako or may demo and interview for the 2 trainer posts. Ang weird lang ng feeling na maraming unread email sa inbox tapos kung anu ano ang ginagawa ko. Same feeling kapag hindi ako nakapagkape at the start of the shift. 2 more applicants to go at I'm down to my last cut. So far, 2 palang ang qualified yung iba so so ang performance.
Ang dami kong gustong gawin pero di ko magawa. Pero marami na rin akong nagawa sa tingin ko kasi lawlaw na ang dila ng mga trainers ko sa mga deliverables nila. Ah basta!
Last day na ni Joe tonight. Goodluck sa HSBC. Approve mo naman credit card application ko =)
Si Lychee, yung male yorkie na pinaalaga samin ay pinaalaga muna namin sa aking mga in laws.Nasa bahay kasi sila kahapon kaya pinauwi muna ni den kasi imbeyna ang land lord kasi 3 na ang mga dogelles sa house.
30 minutes nalang at aalis nako. For that, Youtube muna ko!
