JP Reyes ([info]jp2reyes) wrote,
@ 2007-01-17 08:23:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
Current music:Shake It Off

Calf Raises

I'm still in the office deciding if I should go to the gym or not. After yesterday's fiasco, I'm leaning towards not going...

When I wear shorts, I always get this "OMG, you have huge legs" comment from people who happen to notice my humongous legs. Hindi ko naman pinagkakailang may kalakihan talaga ang mga pata ko dahil high school pa lang yan na ang comment sakin. I used to be the captain of my high school volleyball team kaya lumaki ng ganyan ang mga pata ko. Talagang pata ang tawag ko at hindi legs! Anyway, ayoko na silang lumaki pa kaya hindi ko na sila winoworkout. As in never na! 

Yesterday, I decided to work on my legs after reading my new work out program. The article made sense kaya naman na encourage niya kong mag work out ng legs. So gorabelles at attack sa Gold's Gym! Success ang first 3 exercises; Squats, Leg Press, Stiff Dead Lifts. Next on my list was Calf Raises but nung umattack nako sa machine may gumagamit. Ako naman si bibo, nag improvise! Gorabelles ako sa Squats machine, naglagay ng 180lbs na weight, kumuha ng stepper, tumungtong sa stepper at voila! Di ko alam kung ano ang nangyari! Naaalala ko nalang, nawala ako sa stepper, napaurong ako, bumagsak ang 180lbs na barbell at kumalabog ng todo! Haaayyy! Buti nalang may pagka Ninja ako, thanks to my volleyball training, at naka ilag ako ng mabilis! Tapos parang bigla nalang tumigil ang mundo ng mga tao sa gym for 5 seconds. yung tatlong tao sa area ko lumapit at tinanong kung OK ako. Gusto kong sabihin "I'm OK promise, I just feel really stupid right now". They helped me lift the weight back at hindi nagpaawat, inayos muli ang stepper para sa king calf raises. Apparently, nasira ko yung machine. Nagsorry nalang ako at nagpunta sa leg raises where I did my 45 degree calf raises. Haaayyyy. Alam mo yung feeling na napapa fuck you lang ang daliri mo na hindi mo mapigilan kapag naalala mo ang katangahang nagawa mo? Yun yon! As in! I can't Shake It Off like Mariah! Tapos nakita pa ko nung guy na tumulong sakin sa locker and asked me again if I was OK, harsh! Lalo nalang akong nahiya! Take note ha, nangyari yun hindi dahil sa mabigat ang 180lbs para sakin dahil with my hefty legs parang isang sako lang ng bigas yun! Nangyari yun dahil hindi ako nag-ingat! Hindi nilock yung safet locks at hindi ako nag double check ng stepper!

Hanggang ngayon I still feel stupid! Paano naman kasi ang kasama ko sa bahay, let me rub it in your face pa. Naman! Paawat na! Kapag napansin mo ng hindi na natatawa at tumahimik na, sana naman makuha mo na!

Now, hindi nalang ako magigym. Next week nalang, kapag nakalimot na ang mga tao! Gagayahin ko si Danny! 

Hindi naman ito tulad ng pag bor-e ko in public where in kebs na sa mga taong nakaamoy ng tae ko kasi hindi ko naman sila makikitang muli dahil ang mga tao sa gym ay makikita ko ulit! Harshness talaga!




(Read 11 comments) - (Post a new comment)


[info]africanprinc3ss
2007-01-18 12:33 am UTC (link)
okei lang yan, isipin mo nalang at the end of the day, its the very same pata na minamahal ng "kasama mo sa bahay" and besides, pagdating sa self defense.. malaking perwisho maidudulot nyan sa sisipain mo! =p

(Reply to this)


(Read 11 comments) - (Post a new comment)

Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…