JP Reyes ([info]jp2reyes) wrote,
@ 2008-03-15 10:04:00
Previous Entry  Add to memories!  Tell a Friend  Next Entry
Current location:Office
Current mood: amused
Current music:No Air - Jordin Sparks

Saturday morning...

OK fine, di ko nanaman nasunod yung plan ko na 1 blog per week. Geez! effort naman kasi to put your throughts into writing. Pwede bang podcast nalang para kuda lang ako ng kuda? Syempre, isang walang kwentang entry nanaman ito. So update lang:

Nakalipat na kame sa aming bagong condo. Pictures to follow kasi naman wala pang laman :-) Aayusan pa lang, hopefully by April ready na for showing and house warming. So since wala pang gamit, Manila Paper ang ginawa naming pantakip ng windows. Balak kasi namin one time big time nalang ang pagbili gn stuff para mapili talaga namin ng husto. Isang gabi, kinatok ako ng tanod at 9:30 PM. Gulat ako di ba, kasi CANIOGAN PASIG BARANGAY TANOD ang kumakatok sa door ko. Aba, lulusubin na sana yung room kung di ko lang pinigilan. May tumawag sa tanod sinasabing may naghuhubad daw sa unit namin. So naloka nalang ako! Apparently, kita pala kame ng mga neighbors sa gabi kapag bukas ang ilaw, akala ko naman may light reflection chenelar yung sliding window di naman pala. So ayun, ako ang pervert na naghuhubad sa madlang basketball court ng Caniogan Pasig. Kebs! Chinika ko nalang ang mga manong na wit ko know na kita pala kame at feeling ko may relfections chenelar nga ang windows dahil kapag naglalakad ako ng umaga di ko naman nasasight ang nasa loob ng apartment unless may i look closely under the microscope ang drama ko. 

Busy sa office the past 2 weeks. As in busy lang and dame lang mga pangyayari. Eh wala tayong magagawa ganun talaga. The best way to go about it is to do your job well. Kabahan na ang mga slackers! Charot! For that, gagawa ako ng more templates, initiatives, programs, chenes! Dapat bibo bibuhan na ang labanan. Baka mag stack rank malaglag ako sa ranking :-) Echoz! 

Siya, punta nakong cartimar. Mabuti na yung may naikuda nako kahit papaano di ba?





(1 comment) - (Post a new comment)


[info]angelicdiz
2008-03-15 03:15 am UTC (link)
mag show ba sa bagong balur???

chos!

(Reply to this)


(1 comment) - (Post a new comment)

Create an Account
Forgot your login or password?
Login w/ OpenID
English • Español • Deutsch • Русский…